Sabado, Setyembre 26, 2015


PAPANIMULA/KALIGIRAN
 Ang Fliptop ay ating maituturing na Makabagong Balagtasan dahil tulad ng balagtasan, itong Fliptop ay nakikipagtalastasan rin. Ngunit kumpara sa pormal na balagtasan, walang malinaw na paksa ang Fliptop.  Sa balagtasan kasi, pormal na ibinibigay ang paksa at siyang pagiisipan ng dalawang kupunan at pagdedebatehan.
              Ang Fliptop rin ay maituturing nating isang rap. Ito ay ginagamitan ng maliksing pagiisip ng mga salita, kailangan ay may tunog, nasa tono at tiyempo sa paraan ng pakikipagtalastasan sa katunggali. Ang bawat isa rin ay binibigyan ng oras upang mailahad ang bawat mensahe nila sa isa’t isa.
             May magandang madudulot ang Fliptop. Pwede ito gawing pampalipas ng oras o pampahasa ng ating mga isip. Dito nagbibigay kasiyahan at kasiglahan an gating industriya.
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

           Ang aming adbokasiya ay Rap Rap Wika ng Fliptop dahil gusto ng aming grupo na italakay ang kahalagahan ng fliptop sa ating wika. Dahil sa mabilis na pagbabago ng ating panahon, mabilis din na sumasabay ang pagbabago nito sa ating wika, nagbabago man ito ng anyo pero may patunay naman na ito ay buhay at may kulay. Nais naming iparating na ang fliptop ay maidudulot na kabutihan para sa ating panitikan.
RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN
             Napili namin ang adbokasiya o paksang ito sa kadahilanang ang Fliptop, ay maari nating maituring na makabagong sining pampanitikan. Bakit? Dahil ito ay mayabong na pamamaraang pampanitikan para ipaabot ang isyung personal hanggang politikal. Sa bawat banat o bato din nila ng salita sa isa’t isa ay nakikita kung paano o kung gaano kahalaga ang wika na siyang sumasalamin sa lipunan.
             Ayon sa aming nasaliksik malaki ang potensiyal ng fliptop para sa kalagayan ng sining at panitikan. Kaya naman nais ng aming grupo na ang Fliptop ay mapabilang na isang uri ng panitikan.
                   Marami ang maitutulong ng mga ito sa ating panitikan. Makikilala tayo at tatangkilikin ito ng mga tao lalo na mga kabataan dahil sa kakaiba at makabagong konseptop nito. Malilinang rin ang pagmalikhain natin. Kahit pa sabihin na ito ay ginaya natin sa iba, may mga dinagdag naman tayo na ating sariling beryson upang tayo ay mamayagpag o di kaya’y makilala.
DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
Kaya ko pinili na eto ang maging Disenyo ko dahil dito nagpapakita ang isang taong may hawak na mikropono na ang sabi ay "Talento ng Pilipino ang aming pinapakita, upang magbigay kasiyahan at makikila ang ating bansa." na ang ibig sabihin ay kaya nagrarap ang mga sikat na rapper dito sa Pilipinas ay hindi lang para gawin ang trabaho nila bilang rapper, kundi ang para makilala ang Pilipinas bilang isang bansa na may talento na ginagamit ang sarili nilang wika.
BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA
             Sa ating panahon ngayon, marami na ang mga tambay, maraming kabataan ang humihinto sa pagaaral at marami na ang mga sumisikat dahil sa mga ginagawang bagay na nakakatuwa at nakakaunlad ng ating bansa. Ang mga makikinabang dito ay ang mga kabataang mahilig makipag usapang personal sa mga kapwa niya. Meron tayong makukuhang mga benepisyo dito dahil ito rin ay nangagaling sa ating wikang Filipino. Makikinabang din dito yung mga taong tambay dahil sila ay mahilig dito. 

MGA 30 NA HALIMBAWA:

1.)    "ngumita ka nga pusta isang libo
sa siwang ng ngipon mo kasyang limang piso"

2.) "kung bat nagkaganun ang ngipin mo gusto kong alamin
13 anyos ka pa siguro sumususo ka pa rin"

3.) "mahilig ka pa sa chik na mataba?
naglaro sila ng seesaw d xa makababa"

4.) "nakita ko ung scandal nyo sa timog
bente pesos dvd copy pangontra libog"

5.) "wag ka ng magpanggap gap
alam nila na bobo ka at isa kang tagahanga na gustong magpa-autograph"

6.) "wala ka ng sumusportang kaibigan
na pumapalakpak sayo na puro tropang napilitan"

7.) "kasi magaling ka daw magdrawing bat d ka na lang magarchitect?
d ka pwedeng magvampire meron kang hard defect"

8.) "pag eto kalaban ko kailangan ko ng kopi ko
pag ako kalaban mo kailangan mo ng kodigo"

9.) "mukha mo puro kanto mukhang polygon
baka ibulsa lang kita parang pokemon"

10.) "idol pwede pa picture?si Zaito ka diba?
naniwala ka naman sinapsycho lang kita"

11.) "ito ba yung kabattle ko sa rap na galing probinsya
anak ni apple d ap kay aling dionisia?"

12.) "ako na bahala sa sampung piso mong talent fee
pero please lang pakisuli na yung postiso ni michael V"

13.) "pero champion ka pala lately ko lang nalaman
kaya naman pala grade three lang yong kalaban"

14.) "dahil akoy parang dragon hininga ko'y apoy
habang hininga moy amoy boy bawang"

15.) "kasi, yung iniigib mo, iniigib mo pa sa balon. 
At sa sobrang hirap mo, nagtitipid ka sa sabon"

16.) “kaya ang balat mo mas madulas pa sa preskong hito
kasi mas madalas ka pang magbirthday kaysa maligo"

17.) "hindi porket negro ka kamaganak mo si Obama
kasi mas maitim ka pa sa mga balak ni Osama"

18.) "kaya hindi mo pa nararanasang makipagsex sa babae
kawawa naman sa txt lang palagi"

19.) "nakita kita sa edsa kanina nag cricrip walk nag bebenta
ng sampaguita para may extra kang pangkita
papunta sa Pasig dahil galing ka pang Paranaque
paano ka naka diskarte naghablot ka na naman ng bag ng ale?"

20.) "nagmamagaling kala mo daming alam
wag nyo bigyan ng pera yan ipangrurugby nya yan"

21.)  “kaya tanong ko lang handa ka na ba talgang makipag tagisan
sa sobrang init ng venue natin pre nagmukha kang singit na pinagpawisan.”

22.)  ikaw ay kapunapuna mula ulo hanggang paa
pero si zaito mas malala kasi mula ulo mukhang paa

23.)  “agaw pansin agaw eksensa tingnan nyo may bling bling pa sya dito
pinagkabit kabit na kadena ng aso at mumurahing platito.”

24.)  hoy gunggong meron akong bugtong ano ang kulay bagoong na nakasuot ng purontong at sa sobrang hirap ay ang ulam ay konting galunggong
hirit ka na ba tsong oooops meron pa palang kadugtong
alyas taong tutong na nanggugulpi ng kalabaw pagtinatamaan ng sumpong?

25.)  “bibigyan kita ng clue alam mo na ba ang sagot?
bibigyan kita ng clue kahit kaka-unti
kailangan nya ng palamuti at kamukhang kamukha nya si
kokey na may ngiping naka usli.”

26.)  “sikat na sikat ka daw pero saking palagay
sikat ka lang kasi wanted ka sa maraming barangay.”

27.)  “sa sobrang baho mo ngayon para akong kumapit sa bangkay
at dahil hawak kita para narin akong may hawak na tae sa kamay.”

28.)  “salot sa lipunan nakikipag sex agad kapag may kabayong natipuhan
wag nyo dalhin yan sa Sta Ana baka lalong malibugan.”

29.)  “hindi ka pwedeng makabayan paano magiging makabayan ang nakakadiring dukha
ehh nahihirapan ngang itangkilik ang sari mong mukha!


30.)  “ino ba ako para manglait eh mukha naman akong totoy malapilipinong binata 
eh ikaw maliit ka na nga tapos mukha ka pang shikoy at pritong tilapia.”

4 (na) komento:

  1. sa tingin ko naman iyo ay ito ay makakatulong upang mapaunlad ang ating wikang Pilipino

    TumugonBurahin
  2. Ang mga Rap at mga Fliptop ng panahon na ito ang ilan sa mga patunay na buhay ang wikang filipino at may kakayahan itong sumabay sa uso.

    TumugonBurahin